Monday, October 13, 2008

Samut-sari, tanong at blind items

HARD TO GET
By Joey Aguilar

Samut-sari, tanong at blind items

Sino itong konsehal sa isang lungsod sa Pampanga na diumano’y nalululong sa pagca-Casino at ngayo’y hindi nakakabayad ng utang?

Ayon sa aking kaibigang sepulturero, ang utang niyang P2,000 ay hindi pa niya mabayad-bayad sa isang dating kapitan ng barangay.

Tsk tsk tsk, MISTER, malinaw na malinaw na ito’y PUBLIC DISSERVICE.

q q q

Sumbong naman sa akin ng isang Communication Arts Student, ang kanilang guro na isang journalist kuno ay ipinapakita umano sa kanilang magkakaklase ang mga envelopes na may lamang salapi.

Ibinigay daw ito umano ng mga pulitikong kinokober (media coverage) at ginagawan niya ng “magagandang balita” (na ikaiimpiyerno nilang pare-pareho?).

Dagdag pa ng mag-aaral, nang binasa daw niya sa pahayagan ang mga balitang isinulat ng journalist kuno ay mali-mali pa ang syntax at grammar.

q q q

Madaming Angelenong nagtatanong, bakit naging Most Outstanding Councilor itong si Konsehal Ares Yabut? Na diumano ay inirereklamo naman ng mga nagtitinda sa Pampang Public Market?

May nagawa daw ba siya para sa mga Angeleno upang tumanggap ng ganoong klaseng parangal? Konsehal, meron nga ba?

Hihintayin nila ang iyong kasagutan.

q q q

TANONG NG MARAMI NA HINDI PA MALINAW ANG KASAGUTAN:

Bakit “napaka-mahal” parin ng tuition sa Angeles University Foundation samantalang foundation naman ito?

q q q

Sana ay papurihan ni Angeles City Mayor Blueboy Nepo ang mga namamahala at miyembro ng Marisol-Pampang Jeepney-Drivers Association na ang mga sasakyan ay kulay berde.

Ito ay dahil sa hindi nila ginagawang parang sardinas ang mga pasahero. Kapag 10 – 12 katao na ang nakasakay ay kaagad nang umaalis ang pampasaherong sasakyan. Huwag sana nilang gayahin ang mga drayber na nakapila sa SM City Clark Terminal.

Paalala: Laging pipiliin ang mga sasakyang jeep at kilalanin ang plate number ng sasakyan at ang mga drayber na matatatakaw sa pasahero upang sa susunod ay makaiwas sa kanila.

q q q

Angeles City – City of Friendship! Kala ko City of Tarpaulins.

q q q

Eto naman ang mensahe ng Banal na Kasulatan para sa mga employer, gubyerno man o pampribado (Sana ay maisapuso po ninyo ito dahil ito ay makakaganda sa inyong negosyo):

Deuteronomy 24:14-15 "You shall not oppress a hired servant who is poor and needy, whether he is one of your countrymen or one of your aliens who is in your land in your towns.
"You shall give him his wages on his day before the sun sets, for he is poor and sets his heart on it; so that he will not cry against you to the LORD and it becomes sin in you.

Iwasan po natin ang magkasala ng ganito mga kapatid na mayayaman. Nagiging matagumpay kayo dahil sa mga manggagawa.

q q q

WORKERS of the world unite, you have nothing to lose but your chains.


For comments, write me at joeyaguilar@punto.com.ph

No comments: